Thursday, June 28, 2012

KFC's Streetwise Cheese Top Burger Released!

“The first and only cheese topped bun burger with KFC’s signature Original Recipe chicken patty with rich Garlic Parmesan dressing. Satisfy your caving with KFC’s new Cheese Top Burger!”

Yes! This is the latest food invention of KFC Philippines which was unveiled yesterday on their Facebook page. I don't know if you like the idea but I think, Filipinos would like to try this out. The price is a little bit high but satisfaction is surely assured. However, I am thinking of different ways on how to eat this burger! Would I just bite it? Or use a knife or fork to eat? Ahahaha. I think, it's better if I go to KFC and have the experience.
Photo from KFC Philippines FB account: http://www.facebook.com/kfcphilippines

Thoughts about the product:
1. Put the cheese on top and here comes a new product!?
2. I think Spongebob has to do the arrangement like this, bun-chicken-mayo-bun-cheese
3. Maybe the inspiration of the one who suggested this is Superman or Batman. LOL
4. Hmmm. Is this an idea of someone rushing just to meet a quota or deadline?
5. What makes this different or better tasting from cheese placed between the buns.

But at the end of the day, people would still want to buy this because this is really crazy! KFC is still KFC. Finger lickin' kickin' good! Call it maybe. :)

Sunday, June 24, 2012

Isang Paglalakbay sa Lungsod Baguio


Katatapos lang ng enrollment. Isang oras din ang kinailangan para maka-enroll na talaga ako sa unibersidad. Pinalad ako sapagkat isang oras lang ang inabot ko sa pagpila, pagbayad ng matrikula, at pagpapa-validate ng ID. Kadalasan kasi, aabutin ka pa ng limang oras bago maka-enroll. Lumabas din ako agad. Maraming tao ang nasa bungad ng unibersidad—nakatayo’t nakaupo, mag-isa’t may kausap, may ka-text, nagmemerienda’t mistulang may hinihintay. Nasagi sa isipan ko kung ano-ano kaya ang mga nasa isipin nila ngayon. Sa aking pagkakahinto ay napa-isip ako sandali. Sobrang saya ng buhay kapag ini-enjoy!

Habang binabagtas ko ang kahabaan ng sidewalk papunta sa estasyon ng mga dyip malapit sa Igorot Garden, pinagmamasdan ko ang mga tao sa paligid at ang kanilang ginagawa. Sinubukan kong basahin ang kanilang mga mukha. Nag-eenjoy nga ba sila? Masaya kaya sila? Ang mga ito ay ilan lamang sa mga katanungang aking naisip. Gusto ko kasing makita kung papaano gumalaw ang mga tao ngayon, kung malalim ang kanilang iniisip at may dinaramdam. Marami ang mistulang may hinahabol bagamat may mga ilan din namang nagtatawanan habang kausap ang kanilang kasama, ngumingiti-ngiti, at masaya. May mga naka-kunot ang noo, nakasimangot, at tulala. Ganito ang nakita ko. Buhay! Buhay! Ganito talaga ang buhay. 

Tumigil ako sandali at lumingon. Nalampasan ko yung stall ng McDo sa tabi. Bumalik ako at bumili ng float. Pagkatapos ay bumili na rin ako ng bente pesos na hamburger with lettuce, cheese, cucumber at tomato sa katabing tindahan. Nang maubos ko na ang burger ay nagpatuloy na rin ako sa paglalakad tangan pa rin ang float na binili ko. Inalog-alog ko ang float habang naglalakad. Sayang naman kasi ‘yung cream kung hindi maihalo sa coke. Mabilis ko ring inubos. Maraming kakanin sa tabi. Mayroon ding tusok-tusok na patok na patok kahit umaga, turon, lumpia at marami pang iba. Maaliwalas at malinis pa ang paligid sapagkat alas onse palang ng umaga. Kapag medyo hapon na kasi, nagsisilitawan na ang mga kalat sa kalye. 

Dala-dala ko pa rin ang container ng float na binili ko kahit mahigit isang daang metro na ang nilakad ko. Wala talaga akong nakitang basurahan. Pinili kong maglakad sa overpass-WOW-malinis, walang plastic wrappers o ano mang kalat. Tanging bakas lang ng mga dura ng mga nagmamama. Naisip ko tuloy na dapat gawan ng proyekto ang bagay na ito sapagkat hindi talaga magandang tignan ang mga mistulang mga patak ng ulan sa daanan, hagdan, at sa mga gilid-gilid. The city really needs spitting areas. Sana nga lang, maisip nila ito. Dagdagan na rin sana nila mga basurahan-‘yung maayos at tama ang pagkakalagay o distansya. 

Ang mga taga-Baguio ay environment-friendly talaga kaso ‘yung iba nga lang ay walang pakialam. Basta tapon diyaan. Habang naglalakad ako, sabi ko sa sarili ko, “Kapag may makita lang akong magtapon kung saan-saan, pagsasabihan ko.” Pero wala naman akong nakita. Napangiti nalang ako nang may nakita akong ale na may bitbit na walis tingting at dust pan. Pero hindi dapat i-asa sa isang katulad niya ang kalinisan ng Baguio. Dapat lahat ng mga mamamayan ay marunong at binibigyang importansya ang kalinisan ng lugar. Para sa lahat naman ito. Malinis, maganda, mabango ang paligid, walang kalat na pwedeng pagmulan ng sakit, walang nakakasakit sa ulo. Ang mga ito lang naman ang Baguiong gusto kong panatilihan ng mga mamamayan. Bagamat, malinis pa rin naman ang Baguio, sana, lahat ng mga mamamayan ay responsible sa kanilang mga ginagawa. 

Tumawid ako sa kabilang sidewalk sa may pelengke. Hindi naman masyadong siksikan. Nalampasan ko ang mga nagtitinda ng binatog, tinapay, kakanin sa tabi. Hindi na ako bumili. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Naabot ko rin ang Igorot Garden, malapit sa may paradahan ng dyip. Ibinaling ko ang tingin ko sa aking cellphone.9:30 pa lang. Maaga pa. Lumingon ako gawing Burnham. Gusto kong pumunta kako. Habang naglalakad ako sa Igorot Garden, may isang grupo ng mga tao na nagkukumpulan sa tabi. Sinubukan kong maki-osyoso. Naglalaro lang pala sila ng chess. Lumayo na rin ako agad-agad.

"No littering and spitting in the park." Ito ang nakasulat sa isang karatula sa isang sulok na nakikita at nababasa naman ng mga tao. Naglalakad ako nang may biglang dumura sa gawing kanan. Napakamot nalang ako. Katabi pa naman niya 'yung karatula. Medyo nainis na rin ako.

Mag-te-ten palang ng umaga ay marami nang tao sa Burnham. Dumireto ako sa hanay ng mga souvenir stores sa dulo ng lake. Malinis at malamig. Masarap mag-window shopping. Pero may binili pa rin ako kahit papaano. Bumili ako ng dalawang coin purse pampalit sa punit-punit nang purse na ginagamit ko mula pa nung third year HS student ako. Ten pesos lang naman ang isa kaya dinalawa ko na. Tumingin-tingin na rin ako ng mga pwedeng ibigay pag-uwi ko sa probinsya sa sembreak. Marami at mura lang. (hehehe) Mag-ju-June palang, sembreak na agad iniisp ko!

Hindi ako nagtagal sa bilihan. After ten minutes, lumabas na rin ako. Dumiretso ako sa lawa. Marami agad ang mga namamangka. May mga upuan sa tabi pero hindi na ako umupo. Pinagmasdan ko na lamang ang mga tao sa lugar. Marami ang nagkukwentuhan at kumukuha ng litrato.

Tuloy pa rin ako sa paglalakad. Ang linis ng Burnham. Malinis naman talaga, lalo na at maraming taga-linis at hindi pinapabayaan ng awtoridad. Tanging mga nahulog na dahon at bulaklak lang ang nakita ko. Normal lang.

Hindi nagtagal, naghanap-hanap na rin ako ng ma-uupuan. Nakita ang isang lolo sa ilalim ng puno na nagbabasa ng diyaryo. Nagpa-alam ako kung pwedeng makitabi, pumayag naman. Habang ine-enjoy ang preskong hangin, natatanaw ko ang mga namamangka. Enjoy syempre. Masaya ang paligid, luntian at maaliwalas.

Habang naglalakad ako, nakita ko ang isang manghuhula sa tabi. "20 pesos hula." Medyo binagalan ko ang paglalakad upang pagmasdan ang manghuhula. May binabasa siya na para bang comics. Aywan ko ba. "Ano kaya kung subukan ko?" Bigla akong kinilabutan. Huwag nalang kako. Natakot kasi ako sa hitsura nung aleng manghuhula.

Narating ko din ang kabilang dulo ng lake. Bigla akong naihi. Dali-dali akong tumawid at dumiretso sa comfort room. Five pesos ang bayad pero OK na kasi malinis at hindi mapanghi.  Kumpleto pa, may handsoap, at may dryer pa. Paglabas ko, inabot ko kaagad ang bayad. Nagulat ako nang may ibigay na resibo. Oha! Nice one! May kasama pang tissue. Dabes!

Bumalik ako para maglibot-libot pa. Pumasok ako sa mag skating rink. Gusto ko sanang maglaro ng table tennes kaso wala akong makalaro. Umupo ako sa tabi habang pinapanood ang mga naglalaro ng table tennis. Yayaain ko sana 'yung isa kaso inunahan ako ng hiya. Ganun pa man, naghintay ako at nagbakasakaling may dumating na pwedeng makalaro. Ilang minuto rin ang lumipas. Naka-upo pa rin ako at pinagmamasdan pa rin ang mga naglalaro. May dumating na mga tao at nagsipag-rentahan ng skating shoes. Dalawang bata ang unang sumubok at nagpa-ikot-ikot. May sumunod ding magkasintahan. Tawa ako ng tawa kasi 'yung kinuha nilang shoes ay iyong doble ang rollers at hindi rin sila marunong. Naglalakad lang sila at sinusubukang balansehin ang pagkakatayo. Sabi ng katabi kong turista, "Hey, there's a bar over there." Tawa lang ako ng tawa.

May mag-amang dumating at naglaro ng table tennis. Marunong 'yung tatay. Habang nanonood, lumingon ako upang alamin kung ano nang nangyari sa magkasintahan. Ayun, nagpipicturan na lang. (Tawa ulit)

Ang sarap ng buhay lalo na kung ine-enjoy. Masaya nga sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa mag-amang naglalaro at magkasintahang sinusubukang matutong mag-skate. Ganun pala dapat. Sabi nga ni Horace, Carpe diem (seize the day). 

Pagkatapos ng mahigit 3o minutos na pagkaka-upo, wala pa rin akong nahintay na makalaro kaya lumabas na lang ako habang iniisip ang katagang, no man is an island. Random! Malapit ko nang maikot ang Burnham. May nakasalubong akong matandang nakikipaglaro sa isang muning. Malakas ang kanyang tawa ngunit nasa katinuan naman siya, siguro. May mga nagpapa-hena sa tabi.  

BOOM! Ito na ang medyo nagpa-highblood sa akin. May nagpipicnic sa tabi. Mga 3o katao. Nakakalungkot sapagkat maraming kalat. Hindi ko pinagsabihan 'yung malapit sa akin. Maraming matatanda at kasalukuyan silang nanananghalian. Sana nga lang ay pinulot nila iyong mga kalat nila. Sana lang sapagkat hindi na ako bumalik doon.

Isa sa mga ayaw ko ay ang pagkakalat. Lalo na kapag Panagbenga. Naku, mistulang basurahan ang Burnham sa tuwing sasapit ang Panagbenga. 'Di na sila natuto. Sana maging aware ang lahat. Baguio deserves respect.

Sa ngayon, malinis at maayos pa ang Baguio. Sana ipagpatuloy ng kaniyang gobyerno ang pagpapanatili ng kanyang kalinisan at sana'y respetuhin siya ng mga tao at hindi nilalapastangan ang kanyang kagandahan-walang pang-aabuso. Bigyan pa sana siya ng pagmamahal at pag-iingat.

Sa paglipas ng mga taon, pinapangarap kong ang Baguio  ay ganito pa rin kaayos o kung hindi naman ay mas maayos pa. Sana, ang mga mamamayan ay responsable sa lahat ng kanilang ginagawa. Sana, ang Baguio sa hinaharap ay ang Baguio na nadatnan ko-ang paligid ay maaliwalas, luntian, at puno ng buhay.


-May 30,2012 

Thursday, June 7, 2012

Masaya ka ba Ngayon?


Nasaan ka na ngayon? Kumusta na? Pagod ka na ba? Suko na? Bakit? 

Maraming mga pagkakataon sa ating buhay ang nagpapabago ng ating pag-iisip at pananaw. Ito ang mga pangyayaring kadalasan ay sumasalungat sa ating minimithi, pinaghihirapan, at ninanais. Minsan, hindi natin maiiwasang manatili sa lungga ng ating pagkabigo at kalungkutan na kung hindi natin malabanan ay posibleng bagtasin natin ang isang daang hindi natin pinangarap o pinapangarap.

Ang kalungkutan ay nararanasan ng lahat. Hindi naman masama ang pagiging malungkot, mas maganda pa nga minsan kapag may kasabay na iyak. Masakit ngunit pagkatapos ay nakagiginhawa. Nasa pag-iisip at paghahawak lang natin ng problem ang pinagkaiba. May iba-iba tayong pagtingin at reaksyon sa mga pangyayari. Basta ang pagbangon siguro ang pangkalahatang iniisip natin.

May iba-iba tayong pagtingin at pag-react sa mga pangyayari. Basta ang pagbangon siguro ang pangkalahatang iniisip natin.

Masaya ka ba ngayon?

Isipin mo. Kung masaya ka, gaano kasaya? Saan ka masaya? Bakit ka masaya? At hanggan kailan ang kasiyahan mong iyan?

Magkakaiba tayo ng basehan ng kasiyahan. Kaya minsan, nami-misinterpret natin ang ilan kung bakit sa isang pangyayari malungkot tayo habang sila ay masaya. Bakit kaya? Ano ba ang iniisip mo? Ano ba ang ine-expect mo? Ano ba ang ginawa mo? May mali ba? Ano ‘yun? Minsan dapat hindi lang tayo basta nalulungkot, kailangan nating alamin ang rason kung bakit tayo malungkot. Ito ‘yung mas malalim na rason, ang ugat ika nga nila.

Ang hindi pagkakontento ang kadalasang rason ng kalungkutan. We expect so much. Kaya masakit kung hindi naabot ang ating expectation. Napaka-ironic kasi sabi nila “let us not limit ourselves,” pero kung hindi naman natin nililimitahan ang ating sarili, maari tayong umasa sa mga bagay na kadalasang nagiging rason ng ating pagkadismaya. Ito na lang siguro ang pwede nating sang-ayunan, dapat nating alamin kung ano ba ang ating ipinaglalaban, nasa ating kamay ang kasagutan, at nasa pag-iisip natin kung paano natin baguhin ang isang sitwasyon at gawing rason sa ating pag-usbong at pagsulong sa buhay.

Hindi lahat ng nakasasaya ay nagbibigay ng kasiyahan at hindi rin lahat ng nakalulungkot ay nagbibigay ng kalungkutan sapagkat lagi naman, hindi nawawala sa atin ang karapatang pumili. Lagi lang nating isipin na lahat ng ating pinipili ay may karampatang katumbas na tayo rin ang nakakaalam o makakaalam.