Monday, July 2, 2012

Ang mga Bagay na Madalas Nilalabag ng mga Tao


Marami pa rin talaga ang mga pasaway at palalo sa atin.

Araw-araw tayong lumalabas para mamalengke, mag-aral, pumasok sa trabaho o mamasyal. Maraming rason. Maraming ginagawa ot pinagkaka-abalahan.

Tara! Pag-usapan natin ang mga bagay na madalas nating nilalabag o nalalabag. Bagama't ang mga ito ay simple lamang, kadalasan pa rin na hindi sila masyadong binibigyang pansin.

Traffic Light: The Power of the Three Colors

Ito ang kadalasang nilalabag ng mga tao. Mapa-driver man o naglalakad lang. Alam  naman natin na kapag berde 0 green, humaharurot pa ang mga sasakyan. Kailangan nating huminto at hintaying pwede na tayong tumawid-tumawid sa pedestrian lane. Maraming naaaksidente dito. Marami kasing pasaway. Gustong ihabol ang sarili eh nandiyan na ang sasakyan. Boom. Sapul. Sa hospital ang abot. Marami pa rin naman ang swerte ngunit sigurado ako, natuto na ang mga gamuntikan nang mabundol o mabangga ng sasakyan. Isa pa, marami siguro sa atin ang nandadaya sa batas trapiko. Kapag green hindi pa pwedeng  tumawid pero kung walang sasakyan, tumatawid pa rin. Hehe. Hindi ko gawain yun, aywan ko nalang sa iba. Doon matetest ang honesty at obedience. Sa mga drivers naman, sana matuto silang magbawas ng bilis kapag malapit na sila sa crossings or pedestrian lanes. Minsan, isa rin sila sa mga rason sa mga disgrasya sa lansangan. Kapag dilaw, ihinahabol pa nila. Tapos kapag nag-red na, ayun, nasa gitna ng lane, hindi na tuloy makadaan ang mga tao. Dapat, laing alerto ang mga tao, sapagkat kapag tapos na ang disgrasya, hindi na ito mababawi pa. Mag-ingat tayo mga kababayan.

No Littering

Oo, ang walang kamatayang "no littering". Huwag magtapon ng kung ano-ano sa kung saan-saan. Aywan ko ba kung bakit marami ang walang respeto. Hindi na natin kailangan pang makakita ng karatulang ganito para lamang maiwasan natin ang pagtapos ng kung ano-ano sa kung saan-saan. Ito yung batas na nasa satin na. Kailangan pa bang i-memorize? Simpleng bagay lang pero, sakit ito ng mga Pilipino. Kahit ba candy wrapper lang yan o tissue! Mahiya naman po tayo. Tayo-tayo na nga lang ang nakatira sa lugar na yan, naaatim pa rin nating magtapon lang diyan. Tapos sasabihin nating IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES? Eh, mismong basura natin, 'di maitapon ng maayos! Umayos nga po tayo.

Which Way? Always Right Dude

Alam naman na natin siguro ito. We should always take right when walking in the corridor, walkway, etc. Pati rin sa driving, applicable ito. Marami pa rin kasing nakikipagbanggaan sa sideway. Pati ba naman sa sideway? Dito sa Baguio, sa overpass ang madalas matao kaya kailangang always take right kasi ikaw din ang kawawa, hindi ka makausad o kaya ay, maitulak ka paatras. Sa entrance at exit, ganun din. Maliban nalang kung sa kaliwa ng entrance na nakasaad.

Photocopy, why not?

Para sa akin bilang isang mag-aaral, nakakatulong talaga ang kapangyarihan ng xerox machine. Imbis na bumili ng mahal na libro, mas mura kung ipa-photocopy nalang at ipa-bookbind. Lagi nating nababasa ito. "No portion of this book may be copied or reproduced in books, pamphlets, outlines, or notes, whether printed, mimeographed, typewritten, photocopied or in any form of distribution or sale without the written permission of all the authors." Ayun, bawal talaga. Huhu pero ganun talaga, ang rason ko nalang para sa sarili ko, hindi ko ginagamit yung photocopied materials for commercial use. Basta siguro for academic purposes pwede na? Pero hindi talaga pwede.
....
Marami pa sana akong ilalagay ngunit kailangan ko na namang harapin ang ilang school works. Paalala mga kapatid, sa susunod, sana hindi na natin labagin ang mga nabanggit ko. Sana, para maiwasan ang aksidente, kaso, at iba pa. Mabuhay ka Pinoy!  

2 comments:

  1. wow! ang ganda naman ng isinulat mo Jordan! sana mabasa yan ng ibang tao at ng sa gayon, matuto sila sa tama. para na rin mabawasan ang mga nangyayaring aksidente sa Pilipinas. dagdag ko din pala dun sa about sa "No Littering", may mga ilan sa atin na nakikita na sa harap ang signage na ganun ay nagtatapon pa din sila doon ng basura. tulad na lang din sa mga pader na may nakasulat ng NO Vandalism at Bawal Umihi dito, pero marami pa ring tao ang nilalabag yungmga ganung batas. napakasimple pa lang nun, pero di a maintindihan. Paano na kaya kapag mas complicated na batas? kaawa-awa naman yung mga taong ganun...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks ate Christine. Simple pero 'di nila kayang sundin. Isa sa mga rason kung bakit mabagal ang pag-unlad ng Pilipinas. Sa waste management palang wala na. Sana talaga, maging responsable lahat para masaya. I appreciate your comment. Thank you. God bless.

      Delete