Saturday, September 21, 2013

Kape at Pandesal

Minahal kita sa bawat araw ng paglaki mo
Ang halakhak at ngiti sa iyong mukha ang kasiyahan ko
Kahit napupuyat at pagod na pagod sa katitingin sa’yo
Tiniis kong lahat dahil ikaw ay mahal ko.

Lumaki ka at natutong humakbang sa sariling paa
Gumaling sa pagtakbo at naging mas madaldal pa
Saksi ako sa paglaki mo, aking anak
Sa akin, isa kang bituin na humahalakhak.

Pumasok ka sa paaralan at natutong bumasa
Natutong bumilang, sumulat, at tumula
Talino at talento mo ay aking ipinagmamalaki
Nakatutuwang isipin, kay bilis ng iyong paglaki.

Dahil sa hirap ng buhay, pinili kong mangibang-bansa
Nakipagsapalaran upang sa gayon ay mapag-aral ka
Ito ay iyong sinang-ayunan habang tayo ay umiiyak
“Isa kang matalinong bata,” sambit ko, “huwag magpabaya anak.”

Bawat lingo, nagkukuwentuhan at nagtatanungan tayo
Ikaw ay nasa kolehiyo na, panaho'y tila nagbibiro
Ang hirap na pinagdadaanan natin ay lilipas din
Ilang taon na lang at gragraduate ka na rin.

Kahanga-hanga ka aking anak, hindi mo winaldas
Ang mga pagkakataon at panahong kay bilis lumipas
Ako’y tuwang-tuwa bagaman malungkot din
Sa tagal ng panahong hindi kita nakapiling.

Pasensya na anak, kaunting tiis na lang
Isang buwan at mahigit pa ang aking binibilang
Sa kabila ng ilang taong hanggang  sa telepono lang tayo
Ako’y maka-uuwi na rin at makakapiling mo.

Ikaw ang aking pamilya, walang katumbas na halaga
Sa’yo gugugulin ang panahon habang malakas pa
Sa pag-uwi ko, tanging hiling ko ay kape at pandesal
At tayo’y mananalangin at magpapasalamat sa Maykapal.

***

Ito ang aking opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 5.




4 comments:

  1. Goodluck sa mga entry natin, sir!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir, maraming salamat po. It's an honor already to know you. Naging mas makulay po ang blogging sa akin dahil sainyo. Mas natutuhan ko pong mahalin ang Filipino lalong lalo na nung nabasa ko ang mga gawa ninyo, at mga gawa pa ng mga kapwa nating Filipino writer. I'm not aiming for any spot here, bonus na kung mayroon man, ang akin nalang po ay maka-participate at makatulong sa pagpapalaganap ng tunay na layunin ng SBA. Thanks for dropping by, sir.

      Delete
  2. Replies
    1. Hello ate, thank you. Nice talaga? Hahaha. Anyway, salamat pa rin. May anak po siguro kayo. hihi

      Delete