Tuesday, February 25, 2014

Something I will not Regret

It's been a while when I paused and tried to think of what is really happening in my life at the present. I couldn't believe I made it this far. It was just like yesterday when I was playing in the dirt with my manong and manang under the shade of that nymph tree near some aging kuliglig. It was just yesterday when the whole sitio of Cabulalaan has gone crazy searching for two naughty children (my cousin Ericson and I) who wandered in the morning and were found in the middle of the corn field late afternoon; we actually went down the bridge of Karayan Daya and tried to catch fish and frogs, then whips we got!  It was just yesterday when I bade farewell to my friends in Ilocos and began a new life in the promise land Canangan, when I was nearly killed by a raging cow, when I really abhorred being in that class because of receiving a ribbon and not a medal, when I witnessed how mad dad could be, when I reached high school and proved that I can do things I've never done before, when I said and wrote a lot of awful things to my crush nonetheless I liked in the end, when I got emotional by seeing people say their goodbyes. For the past 19 years, I never imagined how colorful life could be. I dreamed and wished. Some happened. Some did not. I just realized that it is what you experience that really makes you wonder about life. I don't know, but I'm starting to realize how perfect life is. Our shortcomings. The ugly day we make. They don't matter because they are the same with our successes. We encounter them and we experience them. So I came to this conclusion: It doesn't matter anymore how I lived and how I will spend the rest of the time, just that I'll make it sure that it will never be something that I will regret.

Sunday, February 16, 2014

Si Jenny at ang kanyang Gitara


Taong 2011 noong tumuntong ako sa kolehiyo. Ako'y bagong salta  lamang, bagitong-bagito sa mga pasikot-sikot ng Baguio, at hindi pa alam ang takbo ng lugar. Naging masakitin dahil sa paninibago sa klima nito kaya naging mahirap sa akin ang mga unang buwan ng pananatili dito sa malamig na lungsod.

Mula nang ihatid ako ng aking magulang sa inuupahan kong silid ay mag-isa na lamang ako sa lahat ng aspekto ng pamumuhay bilang isang mag-aaral. Natutuhan kong magluto, maglaba, magligpit ng mga bagay-bagay at hindi sa lahat ang mag-ayos ng sarili ko. Hindi kalaunan ay naging maayos rin ang takbo ng lahat, hanggang sa nakuha ko na ring mamasyal at maglibot sa loob at labas ng unibersidad.

Sa ilang linggong pamamalagi sa loob ng eskwelahan, pagmamasid ang karamihan sa aking ginagawa. Bukod sa pakikinig sa mga guro ay pinakiramdaman ko ang aking mga kamag-aral. May mga mayayabang, magaling sa pakikipag-usap, may mga mayayaman at may mga tahimik na tulad ko.

Halo-halo ang personalidad na kailangang pakibagayan. Ngunit ang nakakuha ng aking atensyon ay ang babae sa sulok na may dalang gitara. Mahal ko ang musika at kahit papaano ay alam ko ring tumugtog ng gitara. Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko siya. Alam kong may magiging kasundo ako. Ngunit ang isa sa nakita kong problema ay hindi siya nagsasalita. Tanging ang mga ekspresyon ng kanyang mukha ang nababasa ko.

Isang araw noon, sinubukan kong lapitan siya at kinamusta habang naghihintay sa isang guro. Hello ang sabi ko sa kanya ngunit ngumiti lang siya at wala pa rin akong narinig na boses. Matapos ang pangyayaring iyon, araw-araw ko na siyang pinagmamasdan.

Mailap siya sa mga tao ngunit nakausap ko siya ng ilang beses. May isang araw noon na naglalakad ako nang nakita ko siyang nakaupo sa harap ng ampitheater. Tinapik ko ang likod niya at siya'y lumingon naman. Nagpapakilala siya at inilahad ang pananaw niya sa buhay. Simula noon ay naging malapit kami sa isa't isa.

Agosto ng taong 2011 nang nagkaroon ng talent show sa isang klase namin. Dahil dala niya ang gitara niya noon, inasahan kong magprepresenta siya. Ngunit sa palagay ko ay nahiya na siya at piniling makinig at manood na lamang.

Sa mga sumunod na araw ay hindi ko na siya nakita pa. Ang akala ko noon ay may kaunting problema lamang, ngunit lubusan na siyang nawala at hindi na pumasok pa.
Tinanong ko ang ilan sa mga kaklase ko kung nakausap nila si Jenny o kung may nasabi siya tungkol sa kanyang pamilya o problema. Hindi na ako nagulat pa nang sabihin nilang hindi nila kilala ang tahimik ngunit magaling na manunugtog na si Jenny. Ikinuwento ko siya ngunit para bang hindi ako kapani-paniwala.

"Hindi niyo ba kilala si Jenny. Yung tahimik nating kaklase na laging may dalang gitara." Nagtatakang tanong ko sa kanila, sabay turo sa lagi nitong inuupuan.

Nabigla ako sa naging sagot sa akin. Dahil umpisa palang ng pasukan ay wala raw sino man ang umupo sa upuang iyon at kailanman ay walang Jenny na may dalang gitara. Guni-guni ko lang daw iyon.

Hindi ko alam kung matatakot ako sa araw na iyon dahil alam kong nakausap ko siya.

.......

Photo is linked to the appropriate owner