Sunday, December 21, 2014

Ganito First Sem Ko

Umagang umaga

Gigising ako. Bubuhayin ang laptop. Bubuksan ang ilang bookmarked links. Kakapain ang phone. Maglalaro ng Clash of Clans. Magchecheck ng messages kung may assignment. 

Babangon ako, magkakape o magjojogging. Ang kape ko Great Taste White. Ang ruta ng jogging ko, boarding house papuntang Loakan or kaya pababa ng Kennon Road. 

Kapag tapos nang magkape, magbabasa ng libro tapos maliligo na. 15 minutes bago magsimula unang klase ko, maliligo na talaga ako. Kaunting sabon. Kaunting shampoo. Buhos. Magpapalit. Magsisipilyo. Kaunting ayos ng kulot kong buhok gamit ang aking kamay. Magchecheck kung suot ang ID. Tatakbo or magjejeep.

Umaga

Nasa loob ng klase. Dapat 5-minute late lang. Magpapanggap na ready sa klase sa MAS (kung TThS) o Strategic Management (kung MWF). Kung hindi late, kokopya lang sandali ng assignment sa MAS. Tapos magkukunyari uling nabasa talaga ang lesson. 

Pagkatapos ng unang klase, early lunch break yan. Kakain sa seminary or kaya sa 3F Canteen. Kain. Inom. Pasok ulit. Kokopya na naman ng assignment sa Econ3. Kung walang assignment, papasok tapos chill lang. Makikinig ng kaunti kay sir Adelberto tapos ayun magyayabang na gets na lahat. Pagkatapos, papasok ng ForLang. Nihongo. Watashi-watashi sa una at desu-desu sa dulo. Sa exam, hula ka ng trip mo. Kung tama o pasado ka, sigaw ng SUGOI! Kung bagsak, GG desu.

Totoong Lunchbreak

Dalawa lang. Kina Mezh o sa canteen. Nung adik pa sa LoL, Binbox ang lungga. Nung nagquit na, kina Mezh or sa canteen ulit. Fried chicken, pork broccoli, binagoongan, chicken curry, pork and beans, mga gulay. Isang takal ng kanin. Bayad. Solb na solb.

Hapon

Kapag MWF, apat na oras ang break ko bago last class. Kung TThS, isang oras break ko bago last class. Madalas sa lobby. Makikikonek sa wifi. Clash of Clans o FB/Twitter/IG atbp. Kung hindi, magkukunyaring nagbabasa ng libro sa corridor.

Hapon na Hapon

Kunyaring may alam sa diagnostic quiz sa Auditing Theory. May hawak na libro at nakabukas kunyari. Sa law class naman, inaaming walang alam sa Negotiable Instruments. Walang dalang libro. Parecord-record lang ng lecture nina sir Ag at Sp. Tao ha. Hindi Chemistry.

Madilim na

Table tennis sa 4th floor. Training daw. Chochop daw. Poposte daw. Magtuturo daw. Sasaglit lang daw. Kung wala, uwi agad sa boarding house. Tatambay sa maliit na sala ng mezzanine. Kung malakas ang Internet, nasa kwarto. Pupunta sa kusina, magsasaing ng kanin. Saing pa rin naman di ba kahit de-rice cooker? Kakain. Magmemeryenda. Kung late ang uwi galing training, bibili sa labas o a-ice cream nalang.

Gabi

Chat sa FB. Tweet sa Twitter. Blog sa Blogger. Post sa Tumblr at IG. Update sa animecenter.tv. Titingin ng magandang movie o anime. Magdodownload ng bagong kanta. Magbabasa ng kaunti. War sa CoC. Parefle-reflect. Tha-thank you kay Lord.

Hating Gabi 

Movie marathon o kaya chat. Hindi pa trip matulog. Magfafarm o trophy push sa CoC. Mag-iisip ng maisusulat. Magsusulat ng tula.


Ganyan nabuo ang mga araw ko nitong sem. ###


Shout-outs:
  • RBuilding sa masayang Christmas party.
  • Belle sa food trip, sa chocolates, sa SB, at iba pang trip natin sa Mezzanine.
  • Stella sa pagiging topic ko sa ilan sa mga istoryahi ko.
  • Ivy at Mezh sa pagsama sakin sa sem na ito.
  • Ate Racquel, ate Aura, ate Niña, ate Zyna, ate Angel, ate Leah, Kuya Russel, at kuya Jay sa masaya at nakakakabang play. Salamat po sainyo. Ayos na ayos ang ForLang ko dahil sa inyo.
  • Mga seatmates: Ms. Kim Tarriela, Patricia, Glaedene, Jayp, Kevin, Ivy, Mezh, Michael, Adrian, ate Niña at kuya Russel sa pakikisama.
  • Thesismates: Ralph, Jayp, Kevin at Sherzee na umasa sa pizza noong defense.
  • Ma'am Lamadrid sa masayang klase ng Strat.
  • Table tennis family sa napakamemorable na sem. Ramyun/Manna pa. 
  • Darell at John sa pagiging icecream buddies at pakikisama sa ibang mga kalokohan.
  • Ma'am Robles sa pagpalit ng kurtina sa kwarto ko.
  • SLU Libraries sa unang essay writing comp na sinalihan ko.
  • SABM/CAC Alumni Assoc sa pagtitiwala sa akin. Thank you po talaga.
  • Ma'am Nadz sa referral sa COA DOH. 
  • Kuwaderno sa pagkuha ng tatlo kong entries.
  • Blog buddies, inspiration, at mga inidolo ko sa pagsusulat: Sir If, Dani, Jayp, Pat.
  • Kuya Mabs sa pagtitiwala at pagtitiis sa kakulitan at matigas na ulo ko.
  • Doleen sa unang sabak ni Pimpy sa Intrams.
  • Mariel sa pagiging kapatid. 
  • The Ramyun, Manna, Morning7, Binbox, Creativitea sa mga memories.
  • Kate at Jasmin sa food sa 501.
  • Mezh sa comfy house at wifi. Flashdrive ko.
  • Kuya Jonell sa mga movies na kaygaganda.
  • Ma'am Caroy sa gift niyong libro sakin.
  • Kapatid ko: Manong Joef, Manang Joy ken Joan. Swerte ko sa inyo.
  • Mga taong nagbabasa ng blog na ito. Salamat.

No comments:

Post a Comment