Unti-unting sinukat
at tinimbang
Tama nga ba itong
daang tinahak
Ang kalangitan ay
nagbadya
Itim na mga ulap ay
nagkiskisan
Kumulog at di
kalaunay umulan
Isang kubo ang
lumitaw, lumundag
Sa silong at
sumandig sa kahoy
Nagpahinga sa kabila
ng kaguluhan
Nagkalituan nang mga
daho'y tinangay
Durog na mga
bulaklak ang nilipad
Sa kinauupuan,
tinignan
Ang kagandahang
napukaw
Pinulot at
pinagmasdan
Natanto ang panahong
winaldas
Pinangarap na muling
ibalik
Mga gintong araw na
nagdaan
Nakatulog, ginising
ng araw
Pisngi'y nag-init,
tumayo kalaunan
Natantong may araw
pa
May umaga pa, may
panahon pa
Itinuloy ang
pagtahak
Sa daang tungo sa
pinagpalang ilog
Umaga, gabi,
nagpursigi
Nakalayo ang mga
paang kalyo na
Nagsumikap, ininda
ang sakit
Ang gutom at pagal
ng panahon
Ngayo'y nasa bughaw
na ilog
Lumalangoy,
naliligo.
Friday, June 21, 2013
11:09 PM
ganda. hehe
ReplyDeletekind :) thank you.
Delete