Saturday, August 17, 2013

Dugo

Pag-ibig ang nagpapatakbo
Nitong dugong nananalaytay
Ngunit itong pag-ibig ay pilit hinihigop
Ng mundong puno ng karahasan,
Ng taong puno ng kataksilan at
Ng makinaryang puno ng kasakiman-
Unti-unting natutuyot at
Unti-unting nauubos.
Ngunit, habang nandiyan pa sila:
Pamilya at kaibigan,
Nakakausap at nakikinig,
Inspirasyon at tagahanga,
Itong dugong nananalaytay
Ay patuloy na dadaloy at dadalisay
At ang puso’y titibok at aawit
Ng pag-ibig na dudurog
Sa sakit, poot at hinanakit
Sa gutom, pagkauhaw at pagkapagal.
Pag-ibig ang siyang dugo
Ng pusong puno ng pag-ibig.

2 comments:

  1. tumpak hanggat may pagibig may pag-asa..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama, kaibigan. Sabi nga nila, "love conquers all". Kaya hindi dapat tayo kailanman mawalan ng pag-asa sapagkat maraming nagmamahal sa atin. Maraming salamat sa pagbisita. :)

      Delete