Showing posts with label Filipinos. Show all posts
Showing posts with label Filipinos. Show all posts

Sunday, August 11, 2013

Gilas Pilipinas and Philippine Basketball

Gilas Pilipinas
I do not play basketball, but I love this game so much.

As a child, basketball was nothing. I see my kuya wear his jersey and play basketball on different courts, but it did not ever interest me. Later, when I was already in Isabela, friends introduced the game to me and the basic rules which I consider harder to understand than the lessons in school. I played several times, but I was not really into it; my height being the biggest hindrance.

The last time I played it, as far as I can remember, was last May with the youth in our church. I was challenged, and I agreed, not because I couldn't say no but because I want to enjoy the time.

Today, our own Gilas has even made me love and appreciate the game more. It was in the 70s when we were topping basketball in Asia and even playing in the World Championships. However, as years passed, we were outlasted by our counterparts. We declined, but the good thing is, we never let go. Filipinos embraced the game since the beginning, and we never lose hope seeing our country regain its lost glory. August 10, 2013 is now recorded in the Philippine timeline as the Philippine team made it to the FIBA Asia Final Four, defeated South Korea on the way, and reached the championship match against an undefeated Iranian team.

But no matter what happens on the finals -winning, of course, will put the icing on the cake, we're now qualified to the 2014 FIBA World Cup which will be held in Spain. Yes, after years of hoping and trials, we made it again.

Maybe it's too early yet to celebrate, but I am now assuming the Philippines will defend Iran today. It is not impossible for us to achieve this feat. We can, and we will do it on our own court with the support of our whole crowd.

Thank you Gilas, coach Chot and everyone who deserves this credit.  You made us prouder Filipino fans. You placed Philippine Basketball on the pedestal. Mabuhay!

"It’s The Heart Of The Filipino." -Marcus Douthit, national team
***

Photo is lifted from the Smart Gilas Pilipinas 2.0 Facebook page.

Monday, July 2, 2012

Ang mga Bagay na Madalas Nilalabag ng mga Tao


Marami pa rin talaga ang mga pasaway at palalo sa atin.

Araw-araw tayong lumalabas para mamalengke, mag-aral, pumasok sa trabaho o mamasyal. Maraming rason. Maraming ginagawa ot pinagkaka-abalahan.

Tara! Pag-usapan natin ang mga bagay na madalas nating nilalabag o nalalabag. Bagama't ang mga ito ay simple lamang, kadalasan pa rin na hindi sila masyadong binibigyang pansin.

Saturday, May 5, 2012

Pagbalibaliktarin Mo man ang Mundo, Ito Tayo


Hospitality=True Happiness
Isa sa mga magagandang katangian ng mga Pinoy ay ang pagiging matanggapin sa bisita, mas kilala sa salitang "hospitable" at maipagmamalaking tatak Pinoy ang kaugaliang ito. Hindi lamang mga turistang galing sa iba't ibang sulok ng mundo ang nagsasabing napaka-hospitable ang mga Pilipino kundi kapwa Pilipino din. Sabi nga nila, ang pakikitungo ng mga Pilipino sa bisita ay kakaiba o "the best" at walang katulad.

Tayong mga Pinoy ay handang ibigay ang kaya nating maibigay sa ating mga bisita. Ni ultimo taong naliligaw o taong nagtatanong lang ay aalukin natin ng upo o kaya'y merienda. Dabes di ba! Ito tayo, parte na ng ating ordinaryong pamumuhay, tatak Pinoy, ika nga, Kulturang Pinoy!

Saturday, March 3, 2012

Manners 101: Huwag kang Ganyan


MAY mga pangyayari talaga sa ating pamumuhay araw-araw na hindi natin dapat baliwalain.

Ito ang mga pangyaring hindi kanais-nais na masaksihan at higit sa lahat, mapagdaanan o maranasan. Ito ang mga bagay-bagay na gustong gustong gawin ng iba, mga gawaing naging parte na ng sistema ng pamumuhay na hindi naitama o pilit ibinaluktot sa kanya-kanyang rason.

Ito ang mga pag-uugaling hindi naiisip ng ilan kung ano ang mga naidudulot nito sa kapwa sapagkat normal na lamang ang mga ito sa kanila, ipinasapamuhay na at mahirap na ring tanggalin at baguhin. Kaya ito na ang pagkakataon upang pag-usapan natin ang mga pangyayaring madalas nating masaksihan na dapat ay hindi na nauulit-ulit.

I. Sa loob ng dyip

a) Dito madalas ang siksikan. Dito rin madalas mangyari ang “sikuhan.” Alam naman siguro ng mga kababaihan ang tinutukoy ko. Ilang beses na akong nakakita ng ganito. Kahit titigan mo na yung lalaki para lamang tigilan ang masamang layunin ay pilit pa rin nitong ginagawa. Kaya lagi sanang maging aware ang ating kababaihan sa ganitong pangyayari.

b) May mga tao talagang mas pinaiiral ang pride. Mahirap sumakay sa dyip na hindi nakaupo ng sapat. Natry ko na’to. Kahit pwede namang umurong ng kaunti, hindi nila magawa so no choice, uupo ka na lamang na parang ‘di karin nakaupo. Hindi na sila naawa.

c) Si mamang drayber, nagyoyosi. Kung ‘di mo man balak umalis, maging second-hand smoker na lang.

d) Para sa akin, hindi rin maganda yung basta abot na lamang ng bayad. Pwede namang sabihin ang mga katagang paki-abot po, pasuyo po etc. Pangit kasi yung sinusundot na lamang yung katabi e parehas naman kayong tao. Malay mo, iba pa masundot.

e) Huwag ring mag patugtog ng malakas. Iba-iba ang mundo pag nakasakay na sa dyip. Huwag mang-istorbo.

II. Sa mall, sidewalk, etc

Huwag humarang sa daanan. Yes! Ito yung mga pagkakataong may iniisip tayo tapos bigla tayong titigil na hindi namamalayang nakaharang na pala tayo sa daanan. Do not make public scandals. Ikaw rin, kung gusto mong pagtinginan ka ng iba.

III. Sa hapagkainan

Hindi ko lang po alam sa inyo kung naasar kayo sa mga kumakain ng maingay. Bukod sa tipikal na ingay talaga, ayoko yung maingay kumain. Ha? Paano ko ba sasabihin? Ito yung eating with the tongue and lips clapping. Ahahaha. Basta parang pumapalakpak. Ang sakit kaya sa tenga. Ewan ko. Para sa akin, i find this irritating.

One thing more. huwag maging buwakaw sa hapagkainan, kahit man maubos mo yan o hindi. Yung iba kasi (ako rin ba?) hindi iniisip yung kasama kung may nakain ba o wala. Basta busog, ok na. E paano sila?
………….
Marami pa pong mga pag-uugaling dapat nating itama. Hindi ko na po binanggit ang karamihan sapagkat alam natin ang mga ito. Minsan, ating itong binabaliwala ngunit mas makabubuting mapagsabihan ang kapwa para sa susunod ay alam nila ang dapat nilang gawin in a specific time and place.

“Manners are the unenforced standards of conduct which show that a person is proper, polite, and refined in a definite time and place. However, they are not like laws because there is no formal system of punishing. We can consider that the main informal punishment is social disapproval.” -wikipedia
***
This article was also published in Definitely Filipino™ Blog Network:

Ang Kapitbahay na Monster


Ahaha. Ito na siguro ang isa sa mga pinaka-EPIC kong isusulat sa buong buhay ko. Habang naglalaro ako ng “Backyard Monsters” dito sa facebook, bigla ko na lamang naalala yung mga kwento-kwento tungkol sa mga magkakakapitbahay na kailan man ay hindi nakuhang magkasundo at hindi na natanggal ang galit at poot sa isa’t isa.

Bakit nga ba nangyayari ito sa mismong magkakakapitbahay na imbes na magtulungan ay nagbabangayan?
Ano ba ang gusto mong maging kapitbahay? At anong klase ka bang kapitbahay? Hindi talaga natin maiiwasang hindi magkaintindihan minsan ngunit ano ba ang pinaiiral natin kung kaya ay nabubuo ang pangit na relasyon sa ating kapitbahay?
Subukan nating isa-isahin ang mga posibleng rason sa pagkakaroon ng iringan.

1) Basura/Kalat/Dumi. Wow, sino ba ang magkakagusto na dumihan ng kapitbahay mo ang bakuran mo? Sa una, pwede pa nating pagsabihan si kapitbahay pero kung paulit-ulit na lang, nakakasira siguro ng bait. Gusto mo malinis pero sila, walang pakialam. Anong gagawin mo?

2) Ingay. Ito ‘yung parang may sound system si kapitbahay na mula umaga hanggang gabi, hindi tumitigil. Ratratan ng kung anu-anong salita, sigawan, tawanan. Ang sakit sa tenga, hindi ba? Mahirap ‘pag laging ganito. Lugi pa, masaya sila, pero sakit sa tenga mo naman ang dulot na magtutuloy hanggang sa sakit sa ulo. Isali na rin natin yung speaker ni kapitbahay na kung magpatugtog ay para sa buong barangay. Ito yung parang laging may kaarawan sa pamilya ni kapitbahay o kaya’y gustong iparinig ang mga bagong kanta mapaOPM or foreign para lang bigyang puri. Basta masama ang labis, yun lang.

3) Hiniram ngunit ‘di na Bumalik. Sakit? Nakakaasar kaya ‘yung ganito. Ang ayos-ayos nilang hiniram tapos ang hirap-hirap hagilapin yung nanghiram kasama narin yung hiniram. Kung ibabalik man, ilang buwan na ang nakalipas at hindi na magagamit pa sapagkat pinaglumaan na dahil itinambak lang sa isang sulok. O kaya naman ay nasira ni kapitbahay kaya natatakot o nahihiya nang ibalik, naku naman. ‘Pag hihiram naman po, ingatan natin. Pero ok lang naman kung aksidente lang o ‘di sinasadya. Pero ang namimihasa, di na nakatutuwa.

4) “Stealer” (mas magandang pakinggan sa tenga) Mahirap po mamintang. Ang gusto ko lang iparating ay mag-ingat-ingat po tayo sa sadya ng iba. Hindi po bawal ang maging sigurista at maingat. Pero kung proven naman nang talagang may sakit si kapitbahay ng ganito, good luck nalang. Make the move.

5) Utang na nawawalang parang Bula. Ito ‘yung sa una ‘pag humiram, ibabalik kaagad ngunit sa kalauna’y mahirap nang bumalik. Ito namang si mabait na kapitbahay, hindi nililista ang utang ng iba o makakalimutin kaya ang utang ni kapitbahay ay nawawalang parang bula. Aking minamahal na kapitbahay, ‘wag namang samantalahin ang kabaitan ni isa pang kapitbahay. Sakto lang dapat para masaya ang buong barangay.

6) Tamad. Ito naman ‘yung kailangan mo ng tulong pero ang tamad nila? Kuha ba? Basta, ‘yung mabagal magbigay ng tulong, parang ganun yung ibig kong sabihin. Mamatay na yung tao, wala pa rin sila, parang ganun.

7) The great Storyteller. Masaya makipagkwentuhan pero paano kung ikaw na ‘yung pinagkukuwento ni kapitbahay sa iba pang kapitbahay na ikaw raw ay ganito at ganyan na hindi naman totoo? At mahirap din talaga ‘yung kapitbahay na madulas ang bibig na kahit pwede naman sanang inyo-inyo lang ay hindi pa rin talaga mapigilan ang kati ng bibig. Ito po yung more on hearsays. No personal experience sa sinasabi pero binabanggit at pinagkakaguluhan.

Marami pang rason kung bakit nagkakaroon ng lamat ang relasyon ng mga magkakakapitbahay, iba-ibang anggulo sa iba-ibang panahon. Kaya naman subukan nating tignan ang ating mga sarili at isipin kung ano nga ba ang tingin ng kapitbahay mo sa’yo. Ikaw ba ay isang responsable at kapaki-pakinabang sa kapwa o kabaliktaran nito?

Paminsan-minsan, kailangan nating tignan ang ating mga sarili sa salamin sapagkat iba ang naidudulot ng magandang panghabang-buhay na relasyon sa ating mga kapitbahay.

***
This article was also published in Definitely Filipino™ Blog Network:

Ang Mga Pilipinong Hindi Dapat Pakainin


Liwanag…Ngunit dilim ang sumakop sa kanilang mundo.
Dilim…Ngunit liwanag ang ipinagkait sa kanila.

Hindi lahat ng hindi nakakakita ng liwanag ay bulag at hindi lahat ng nakakakita ng liwanag ay nakakakita.

Ito ang isang katotohanang mga mamamayan ay hirap iwasan. Mas pipiliin pa natin ang magpaka-busy-busyhan upang iwasang isangkot ang ating mga sarili sa mga nangyayari sa ating lipunan na kung sana ay nakikilahok tayo sa paglutas ng mga ito ay makakamit natin ang kaginhawaan at kasaganahan. Ngunit sasabihin na naman nating kahit may gawin tayo kung kurakot naman ang mga nasa posisyon. San tayo pupulutin niyan? Ang problema kasi, tayo mismo ay “kurakot” sa ating mga kaparaanan. Nasanay na ba, kaya hindi na kayang alisin o baguhin? Nag-ugat na ba hanggang sa kailaliman ng ating pagkatao na kahit nakikita nang “namamatay” ang kapwa ay ipinagkikibit-balikat na rin para unahin ang sariling kapakinabangan.

Madamot na ba masyado ang ating Diyos para ganito rin ang gawin natin sa ating kapwa? O nawala na ang ating tiwala sa Kanya at tuluyan na nating pinutol ang koneksyon sa kanya?
Lagi na lang ata nating sinisisi ang sistema o kaya’y ang gobyerno sa lahat ng ating paghihirap. Nasisi mo na ba ang iyong sarili na hindi naman ginagawa ang dapat gawin upang makaahon? Nakaupo. Nagmamatyag. Nakatunga-nga. Nakikinig sa radyo. Nanonood. Nagbabasa sa dyaryo o mula sa Internet. Ito kasi ang mas una nating ginagawa o ang alam lang nating gawin. Puro sisi, lagi nalang sisi, sisi ng sisi. Lintik na sisi yan. Baguhin na natin yung ugali nating “puro sisi sa iba ngunit hindi nating kayang sisihin ang ating mga sarili.”
Minsan, itinatawa ko na lang ang aking inis kung may napapanood ako sa TVng mga tao na sinisisi ang gobyerno sa kanilang kahirapan. Wala tayong mairarason. Bakit? Hindi ba natin alam na ilan sa mga nakaaangat na sa ating bansa ay nagsimula sa hirap?

Ito ang tanong, “Paano mo kukunin ang isang bato sampung metro ang layo sa’yo.” Simpleng tanong lang yan. Nasasagot pa nga ng mga bata sa kalye eh. Ano sagot mo? Hindi ba kailangan nating humakbang para kunin iyon? Pero ang tanong na yan ay napalitan na ata at naging ganito, “Paano mo makukuha ang isang bato sampung metro ang layo sa’yo ng hindi ka humahakbang.” Ang hirap naman ata sagutin? Pati scientist ata mababaliw diyan. O kung may naiisip ka man, ano? Iuutos sa iba? Eh ang tanong, paano Mo kukunin. Hindi naman talaga kaya yan eh, dito natin makikita na naghahanap tayo ng mga paraan na hindi naman talaga natin dapat iasa sa IBA. Ang ibig ko lang sabihin ay, ang SARILI natin mismo ang unang hahakbang hindi ang ating kapitbahay para sa atin.

O ano na? May darating pang bukas! Huwag na naman nating sabihing “hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay.” ‘Yan na naman. Kung puro ganito, wala na tayong magagawa kasi hindi na tayo gagalaw. Hinihintay natin ang ating kamatayan kasi hindi tayo sigurado kung buhay pa tayo bukas? Gumising na po tayo sa ating imahinasyon.

Masaya ang buhay basta marunong lang tayong gawin ang dapat nating gawin. Ang lahat ng ating ginagawa ay may napapala. Lahat ng pinaghihirapan ay may kasagutan. Lagi lang nating isapamuhay na lahat ng tama sa Kanya kahit man sabihin ng mundo na mali ay tama.
…………
Nang kami ay kasama pa ninyo, ito ang itinuro namin sa inyo, “Huwag ninyong pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho.”
(For even when we were with you, we gave you this rule: “If a man will not work, he shall not eat.”) – 2 Thessalonians 3:10
Tara! Sayaw tayo!
***

This article was also published in Definitely Filipino™ Blog Network:
http://definitelyfilipino.com/blog/2012/02/07/ang-mga-pilipinong-hindi-dapat-pakainin/

Wednesday, February 8, 2012

Filipinos Should Learn Stock Exchange


Many Filipinos may have already heard the words “stocks exchange”, “stock markets”, or the word “stocks” itself over the television, radio, in the Internet or maybe from other people or on the newspaper. Many people regard these terms as for business-minded people only that they do not ask about what they are all about and don’t get interested with them. Many may have just ignored the chance of having knowledge about this to learn the ABCs of stocks exchange and in the long run, get knowledgeable about it and get a PROFIT or gain.

This was the topic in a seminar that I just attended a week ago and I just wanted to share what I learned and I hope all Filipinos who will read this article will be inspired to engage in STOCKS EXCHANGE.

Many companies are present in the Philippines, big and small, old and new. Examples are Jollibee Foods Corporation (JFC), Ayala Corporation (AC), Aboitiz Equity Ventures (AEV), Ayala Land Incorporated (ALI), Banco de Oro (BDO), Bank of the Philippine Islands (BPI), Metropolitan Bank and Trust (MBT), SM, San Miguel Corporation (SMC), SM Prime Holdings (SMPH), Philippine Long Distance Telephone Company (TEL). These are some of the country’s companies with the most heavily weighted stocks on the Philippine Stocks Exchange Index (PSEi).

So what can Filipinos get about these companies?

As I said, we can earn a profit through INVESTING.

Companies (not only the companies mentioned above) sell stocks. These stocks are valued in the Philippine Stocks Exchange Index (PSEi) if I am not mistaken and they are sold open to all people who are already 18 years old and/or above. By buying stocks, you can say that you own some shares of stocks in the company where you bought your stocks.

WHERE can we buy this STOCKS?

In buying stocks, we will now meet the so-called “broker.” A broker is a person who bridges the buyer of stocks to the company. People cannot enter the company to buy a share of stocks. You can’t enter the company just to buy Php5,000 worth of stocks! You can directly buy to the company if you will buy Php10,000,000 shares of stocks (this is just an assumption, maybe buying 5% of the shares of stocks of the company may allow you to invest direct to the company). Please ask or search on the internet the brokers near in your place where you can register and start to buy stocks. There are also online brokers. Check them in the Internet.

Is BUYING stocks costly for an ordinary person?

Maybe no. Php 4,000 worth of stocks may now be a good start in your investment. Stocks are weighted in the Philippine Stocks Exchange Index. You may buy 5,000 share of stocks! How, if my money is just 4000? Many stocks are weighted low. What I mean is that stocks are weighted not only in thousands but also in centavos and in peso (e.g., Php.98 /stock, Php2.56/stock and the like). So do you find it costly?

How can we earn a PROFIT?

Simple. Example, you bought 5,000 worth of shares of stocks in a company. The company stock’s present value is Php1.05 today. Then after a day, you found out that 1.05 went up to 2.25. So you can see that the amount just doubled! It just means that your 5,000 worth of shares of stocks also got doubled! So you now have 10,000!
So do you have a profit now? You can only recognize that you had a profit if you sell your stocks. You can go to your broker and tell him/her to sell you shares of stocks and in a matter of seconds….BOOM!…your stocks are sold and in at least three days, you may now get your 10,000!

How about LOSS?

It’s also like profit but the opposite. Example, your 1.05 went down to let’s say 0.88. But you don’t have to worry because like your profit, you can only consider that you had a loss when you sell your stocks! You may wait for the time for the stocks to get valued higher again or sell it immediately to avoid much loss.

In addition, brokers give receipts to the seller of stocks so that you present it when acquiring or getting the money sold.

When is the time to buy stocks? I cannot really say when is the perfect time because it’s always your decision and choice when to or not. But for me, I’d prefer buying stocks when they are low rather than buying when they are high. It’s really up to you to decide.

FILIPINOS, it’s already our time to engage stocks exchange. This is a good start for an investment. It is maybe better than putting your money in the bank waiting for it to have 2% gain.

Not more than 1% of the Philippines’ population engage in stock exchange and if only all FILIPINOS would know about this, how I wish that Philippines will be placed beside Singapore in terms of economy and stocks exchange.

I hope you already have the idea! Honestly, I am only 17 and I’m looking forward to engage in this also. And lastly, please, share what you learned.


***
This article was also published in Definitely Filipino Blog Network: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/02/07/filipinos-should-learn-stocks-exchange/