MAY mga pangyayari talaga sa ating pamumuhay araw-araw na hindi natin dapat baliwalain.
Ito ang mga pangyaring hindi kanais-nais na masaksihan at higit sa lahat, mapagdaanan o maranasan. Ito ang mga bagay-bagay na gustong gustong gawin ng iba, mga gawaing naging parte na ng sistema ng pamumuhay na hindi naitama o pilit ibinaluktot sa kanya-kanyang rason.
Ito ang mga pag-uugaling hindi naiisip ng ilan kung ano ang mga naidudulot nito sa kapwa sapagkat normal na lamang ang mga ito sa kanila, ipinasapamuhay na at mahirap na ring tanggalin at baguhin. Kaya ito na ang pagkakataon upang pag-usapan natin ang mga pangyayaring madalas nating masaksihan na dapat ay hindi na nauulit-ulit.
I. Sa loob ng dyip
a) Dito madalas ang siksikan. Dito rin madalas mangyari ang “sikuhan.” Alam naman siguro ng mga kababaihan ang tinutukoy ko. Ilang beses na akong nakakita ng ganito. Kahit titigan mo na yung lalaki para lamang tigilan ang masamang layunin ay pilit pa rin nitong ginagawa. Kaya lagi sanang maging aware ang ating kababaihan sa ganitong pangyayari.
b) May mga tao talagang mas pinaiiral ang pride. Mahirap sumakay sa dyip na hindi nakaupo ng sapat. Natry ko na’to. Kahit pwede namang umurong ng kaunti, hindi nila magawa so no choice, uupo ka na lamang na parang ‘di karin nakaupo. Hindi na sila naawa.
c) Si mamang drayber, nagyoyosi. Kung ‘di mo man balak umalis, maging second-hand smoker na lang.
d) Para sa akin, hindi rin maganda yung basta abot na lamang ng bayad. Pwede namang sabihin ang mga katagang paki-abot po, pasuyo po etc. Pangit kasi yung sinusundot na lamang yung katabi e parehas naman kayong tao. Malay mo, iba pa masundot.
e) Huwag ring mag patugtog ng malakas. Iba-iba ang mundo pag nakasakay na sa dyip. Huwag mang-istorbo.
II. Sa mall, sidewalk, etc
Huwag humarang sa daanan. Yes! Ito yung mga pagkakataong may iniisip tayo tapos bigla tayong titigil na hindi namamalayang nakaharang na pala tayo sa daanan. Do not make public scandals. Ikaw rin, kung gusto mong pagtinginan ka ng iba.
III. Sa hapagkainan
Hindi ko lang po alam sa inyo kung naasar kayo sa mga kumakain ng maingay. Bukod sa tipikal na ingay talaga, ayoko yung maingay kumain. Ha? Paano ko ba sasabihin? Ito yung eating with the tongue and lips clapping. Ahahaha. Basta parang pumapalakpak. Ang sakit kaya sa tenga. Ewan ko. Para sa akin, i find this irritating.
One thing more. huwag maging buwakaw sa hapagkainan, kahit man maubos mo yan o hindi. Yung iba kasi (ako rin ba?) hindi iniisip yung kasama kung may nakain ba o wala. Basta busog, ok na. E paano sila?
………….
Marami pa pong mga pag-uugaling dapat nating itama. Hindi ko na po binanggit ang karamihan sapagkat alam natin ang mga ito. Minsan, ating itong binabaliwala ngunit mas makabubuting mapagsabihan ang kapwa para sa susunod ay alam nila ang dapat nilang gawin in a specific time and place.
“Manners are the unenforced standards of conduct which show that a person is proper, polite, and refined in a definite time and place. However, they are not like laws because there is no formal system of punishing. We can consider that the main informal punishment is social disapproval.” -wikipedia
***
This article was also published in Definitely Filipino™ Blog Network:
No comments:
Post a Comment