![]() |
| Hospitality=True Happiness |
Tayong mga Pinoy ay handang ibigay ang kaya nating maibigay sa ating mga bisita. Ni ultimo taong naliligaw o taong nagtatanong lang ay aalukin natin ng upo o kaya'y merienda. Dabes di ba! Ito tayo, parte na ng ating ordinaryong pamumuhay, tatak Pinoy, ika nga, Kulturang Pinoy!
Kahit anong oras, ok lang na may bisita! Ngunit kung sa ibang bansa yan, naku, hindi ito "common" sa kanila. Swerte mo na kung patuluyin ka sa kanilang mga bahay lalo na kung hindi ka nila kilala. Hindi pwede ito sa mga Pilipino. We are so friendly to reject them.
Isa pa sa hinahangaan ko ay ang kagalakang ibinibigay ng mga Pinoy sa kanilang bisita. Tayo ay likas na masiyahin, hindi natin maitatanggi ito sapagkat kaya pa rin nating tumawa sa kabila ng mga problemang ating pinagdadaanan. Bata, matanda o kabataan, makikita mo ang totoong ngiti sa oras ng kagalakan. Hindi man nating maikakailang mahirap ang buhay natin, sinusubukan pa rin nating pasayahin ang ibang tao, at sa pagpapasaya ng ibang tao, naroon itong salitang "kasiyahan" na pumupuno sa ating puso, umaapaw.
Utang, utang! Hindi ito masama kapatid ngunit tandaang ito ay NAKASASAMA kapatid. Huwag namang ibaon ang sarili sa utang. Ikaw din kung gusto mo. Ganito kasi yan, tama lang kung ito'y naaangkop sa lebel ng ating pamumuhay. 'Yun yun (malaking ngiti). Huwag nating gawin itong panakip sa isang "katotohanang hindi naman talaga likas sa atin." Sana nakuha niyo 'yung ibig kong sabihin. Huwag nating ipakita ang hindi tayo sa ating mga bisita dahil ang pagiging "showy" ay tanda ng pagiging sinungaling (malaking ngiti ulit).
Ang totoong kasiyahan ay galing sa puso. At ang kasiyahang ito ay likas sa mga "genuine" na mamamayan, walang itinatago at walang ipinagmamalaki sa iba. Hospitable in a way that we love doing it, na mahal nating pasiyahin ang nasa paligid, walang hinahangad na kapalit.......friendship lang! (Tawa ulit)
O mahal kong mga Pilipino. Atin sanang panatilihin ang kulturang ito. Na kahit makaahon tayo sa ating mga kinalalagyan ngayon, may totoong ngiti parin sa atin. Kahit saan mapunta, walang iwanan, Pilipino parin tayo sa isip, sa salita, at sa gawa.
***

No comments:
Post a Comment