Tuesday, October 22, 2013

Kahit Papaano




Ginawa ko itong blog na ito noong February 2012 para kahit papaano may imbakan ako ng mga iniisip at naiisip na pwede ring i-share sa mga kakosa. Dalawampu't isang buwan na ang nakalipas at kahit papaano ay nakapaglagay na ng 70 posts at nakakuha na rin 10,000 mahigit na pageviews. Hindi man ito ganoon kalaki kung ikukumpara sa mga blogs na iniidolo ko, para sa akin ay isa na itong malaking achievement.

Maraming maraming salamat sa mga inspirasyon.
Maraming salamat sa mga pumapansin.
Maraming salamat sa mga nakikisilip.
Maraming salamat sa mga nagbibigay ng mga payo.
Maraming salamat sa mga nakikipindot.
Maraming salamat sa mga komento.
Maraming salamat sa pag-follow at paglike.
Maraming salamat rin sa mga sarcasms.
At higit sa lahat, maraming salamat sayo!

Sana lumaki pa itong lambat ko
At sana magkaroon pa ako ng sapat na lakas
upang makakuha pa ng mga letrang nagsisiliparan sa kalangitan.


No comments:

Post a Comment